*Love is in the air and Knowledge is Everywhere*

Friday, March 18, 2011

Yummy Chocolates

Ferrero Rocher..
                   Ang yummy ng mga chocolates.. hehe.. Bigay sa akin yan kanina ng aking pinakamamahal na kaibigan. :) (WEEH??)

                   Well,  thanks for the chocolates mah friend ! I LOVE YOU ! (^_^)V





Tuesday, March 15, 2011

Friday, March 11, 2011

Phineas and Ferb






                  Last week was my first time to watch Phineas and Ferb. Yeah english ! Tagalog na... 

                   Ganito kasi yan, sina Kim at Marian ay laging nanonood niyan. Sabi nila ang ganda-ganda daw talaga ng Phineas and Ferb. Nacucurious na tuloy ako kung ano bang meron sa palabas na yun at gustong-gusto nila. Nung Lunes, 6:00 PM, sa Disney Channel, ay palabas na ang Phineas and Ferb. Ang episode nun ay yung nung gumawa sila ng parang tambayan. Meron silang kalaban, yung kapitbahay nila. Pagandahan sila ng gawa. Unang pinakita ng kapitbahay nila Ferb ang gawa nila. Namangha ang mga nakakita rito dahil maraming kakaibang bagay ang naroon. Nang pinakita na nila Phineas at Ferb ang kanilang gawa ay nagtawanan ang mga tao dahil ito ay gawa lamang sa kahoy at maliit lamang ito. Mayroong gomang duyan sa gilid. May hawak na remote si Phineas at pinindot na niya ang button. Lumabas mula sa ilalim ng lupa ang napakataas na building. Natalo nila ang kanilang kapitbahay kaya naman proud na proud sa kanila si Candace, ang nakatatanda nilang kapatid na babae.

                    Ayan dahil jan sa episode na yan, ako ay natuwa. Nakakamangha kasi talaga ang kanilang mga imbensyon. 
                       
                     Kaya simula noon ay lagi na akong nanonood ng Phineas and Ferb. Kanina lamang ay ako ay nanood at napakaganda ng episode nila kanina. Siguro sasabihin nila Kim eh replay na yun. Eh bakit ba, ngayon ko lang napanood eh. Haha