*Love is in the air and Knowledge is Everywhere*

Sunday, February 27, 2011

Ang Mga Pahina ng Aking Buhay

Ang cute ko noh? hehe
Ang cute ko talaga.

Ako si Khryss Leanne Belen Omnes. Labinglimang taong gulang na ako. Ipinanganak ako sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ang mga magulang ko ay sina Raymond Omnes at Lani Omnes. Mayroon akong isang kapatid na nakatatanda sa akin, siya ay si Deanne Pauline Omnes. Kasalukuyan kaming naninirahan sa Brgy IV-B, San Pablo City, Laguna. Ako ay isa nang third-year high school at nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Kabilang ako sa pangkat ng pinakamagagaling na estudyante sa paaralang ito. Hindi ko ninanais na ako ay makabilang sa Honor kundi ang ninanais ko ay hindi matanggal sa pangkat na io kaya pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral.
Aking nabanggit sa itaas na ako ay pinanganak sa Nueva Ecija. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ang layo ng aking pinanggalingan. Ang tatay ko kasi ay isang ministro ng Iglesia ni Cristo. Halos taon-taon ay palipat lipat kami ng tahanan. Wala kaming permanenteng bahay. Sanay na kami sa ganoong buhay dahil alam namin na yoon ang binigay ng Diyos sa amin. 

First Honor ako :) Palakpakan ! 
Noong kami ay nasa Nueva Ecija ay marami akong paaralang napasukan dahil nga kami ay palipat-lipat. Noong ako ay kinder pa lamang ay nag-aral ako sa Jaen West Elem. School at noong ako’y Grade 1, nag-aral naman ako sa San Anton Elementary School at doon ay nakapagkamit ako ng unang karangalan. Bata pa lamang ako ay naranasan ko nang makibagay at makiayon sa mga ugali ng aking mga nagiging kaklase. Mahirap pero kinakailangan. Noong ako naman ay Grade 2, doon pa rin ako dahil hindi naman ganun kalayo ang bahay na aming nalipatan sa paaralang iyon. Nakamit kong muli ang unang karangalan. Grade 3 ako ay muli na naman kaming nalipat. First Year high school naman si ate noon at siya ay valedictorian nung siya ay nagtapos ng elementarya. Scholar siya kaya lumipat kami sa pribadong paaralan na rito ay nakapagkamit akong muli ng unang karangalan. Walo lamang kami noon sa klase at ang nakakatawa pa ay ako lamang ang babae. Kaya sabi ni mommy ay matomboy tomboy raw ako noong ako ay Grade 3. Marami ang nagbago matapos ang school year na yon. Nalipat kami sa Minabuyok, Nueva Ecija. Isang liblib na bayan iyon kaya hindi namin alam ni ate kung saan kami papasok roon dahil parang wala namang malapit na paaralan doon. Humiling si papa na malipat kami dito sa Laguna para mapalapit kami sa aming mga kamag-anak. Wala naman kasi kaming kamag-anak sa Nueva Ecija. Pag lang kaarawan namin ni ate tsaka lang dumadalaw ang mga kamag-anak namin. Grade 4 ako nang malipat kami dito sa Laguna. Una naming destino ay sa Majayjay. Napakalamig doon na para bang pag summer na sa ibang lugar ay doon ay winter pa rin. Ang paaralan doon ay tapat lang ng aming bahay kung kaya madali para sa akin ang mag-aral. Hindi ko nakamit ang unang karangalan dahil na rin sa iba ang proseso ng pagtuturo at ako ay naninibago pa din noon. Hindi rin ako sanay sa ugali ng mga bata doon kaya medyo nahirapan akong makisalamuha sa kanila. Naging masaya naman kami doon dahil ang mga tao doon ay matulungin. Isang taon lamang kami doon at kami ay nalipat na sa Lumban. Sa lugar na iyon ay sagana ang gawaan ng mga Barong. Nakakatuwa dahil doon ko lamang nalaman na may mga barong pala na gawa sa pinya at iba pa. Grade 5 naman ako noon. Maganda ang paaralan doon. Nakapagkamit naman ako ng ikaapat na karangalan doon. Medyo nasasanay na rin ako kaya nabalik ako sa honor. Grade 6 ako nang malipat naman kami sa Brgy. San Diego, San Pablo City. Kaya sa San Diego Elementary School naman ako nagtapos ng elementarya. Nakamit ko ang “Special Mention” doon. Nasa San Diego pa rin kami nang ako ay nagfirst year high shool sa Dizon High.
Ang aking kaarawan. Grade 3 ako niyan. 
High School na ako. Marami nang nagbago. Bagong kaibigan, bagong kasama araw-araw. Nung ako ay nagenroll ay sa Section ako napabilang dahil hindi naman kasi kami nakapasa sa unang pagsusulit na ibinigay sa amin. Unang araw ng pasukan ay binigyan kaming muli ng pagsusulit. Yung may mga general average lang na 85% ang pinakuha at sinabing dalawampu daw ang kukunin upang mapabilang sa Science Curriculum. Kinabukasan ay nagulat na lamang ako nang ako ay tinawag ni Ginoong Mission upang pumunta na sa room ng 1-Science. Binalita ko kaagad ito kay mommy at ako naman ay tuwang tuwa. Marami akong naging kaibigan noon. Pero noon ay si Shelo at Jonna lang ang nakaksama ko. Pati paguwi ay sila rin ang kasabay ko. Nabuo rin ang barkadang MAKKASHERYSS. Binubuo nina Marian, Lykka, Shelo at Ako. Noon namang 2nd year na kami ay marami rin ang nagbago. Si Lykka nalang ang naging kasa-kasama ko. Pero ok lang dahil masaya naman kami. Nagkaaway naman kami ni Lykka noon at nagkaroon na siya ng bagong kasama pag recess. Naging kasama ko naman si Kim. Hanggang ngayong 3rd year na kami ay kami pa rin ni Kim ang laging magkasama. Kahit na minsan ay nagkakaron din ng mga di pagkakaunawaan na madali rin naman naming naaayos. Si Kim ang tumutulong sakin upang hindi ako matanggal sa Science. Swerte ako sa kanya dahil lagi siyang nandiyan para sa akin. Swerte naman siya sa akin dahil lagi rin naman akong nandiyan para sa kanya. Napakarami ang nangyari nagayong ako ay 3rd year. Nagkaroon ng fieldtrip, Science Camp na ako ay isa sa mga team leader noon. Nag Eco Tour naman kami kamakailan lamang. Nagpunta kami sa UP Los Banos, Biotech, BPI, at nag hiking kami sa Mt. Makiling na sobrang tarik kaya kaming lahat ay hirap na hirap.
                Ang pagiging High School student na ata ang pinakamasayang parte ng aking buhay. Marami akong mga bagay na natutunan. Una sa lahat ay natutunan kong maging responsable sa mga bagay bagay. Hindi ko pinagwawalang bahala ang mga bagay na mas importante. Natutunan ko rin na mas lalo pang maging palakaibigan. Masaya kasi pag marami kang kaibigan. Dahil nga sa pagiging palakaibigan ko ay nanalo ako noong nakaraang taon sa SSG Election. Isa ako sa 3rd Year representative. Ngunit ngayong taon, ako ay muling tumakbo kaya lang ay hindi naman ako punalad na manalo. Ayus lang dahil naging masaya naman ako. Marami akong naging kakilala mula sa iba’t-ibang seksyon at year. May mga nagiging paborito rin akong mga guro tulad nalang ni Ginoong Lacsam na kasa-kasama pa namin noong Regional Press Conferrence. Nakasali ako dito dahil ako ay nanalo ng ikapitong award bilang isang photojournalist. Unang beses ko palang sumali ay nanalo na agad ako noon. Masayang-masaya ang mga magulang ko at sila ay proud na proud sa akin. Suportadong-suportado nila ako.
                Mahilig akong tumugtog ng gitara at piano. Nais ko ngang mag-aral ng ganito para mas lalo ko pang mapagbuti ang aking pagtugtog. Bata palang kasi ako ay hilig ko na ang tumugtog ng piano. Natuto ako na marami akong kayang tugtugin. Nito lang ako ay 3rd year nang ako ay matuto ng paggigitara. Nainspired kasi ako kay Jomar. Ang galing niya kaya nagpaturo ako ng basic chords tapos ako na mismo ang nagturo sa sarili ko na makatugtog ng iba’t ibang kanta. Paborito kong tugtugin ang “Kulang na Kulang by Joy and Bevs” dahil itong kantang ito ang nagpapasaya sakin kahit na hindi masaya ang nilalaman nito. Sa edad kong ito ay naranasan ko na ring umibig. Alam kong mali dahil bata pa ako. Kaya wala rin namang nangyari.
Ang aking pangarap.
                Isang taon nalang at gagraduate na ako. Sa college, sana ganun pa rin kasaya ang buhay. Sana enjoy pa rin. Gusto kong kurso ay BS Computer Science. Sabi kasi nila ay magaling daw ako sa computer. Marami daw akong alam. At ayun rin naman ang tingin ko sa aking sarili. Pagnakatapos na ako ng ComSci, kukunin ko naman ang kursong Information Technology. Ang sabi kasi ni mommy pag kumuha pa daw ako nun ay mas magiging maganda ang aking trabaho. Mayroon pa kong isang pangarap. Gusto ko rin kunin ang kursong Photography. Mahilig kasi akong magkukuha ng mga litrato kaya nga ako ang napili ni Sir Lacsam para maging photojournalist. Gusto kong magkaroon ng XLR na camera. Isa yun sa pinakamaganda at pinakmahal na camera. Kaya pinapangrap kong magkaroon ng ganun. Gusto ko rin makapagtayo ng sarili kong bussiness pagtapos na ako. Computer Shop daw sabi ni mommy. Maganda raw kasi pag may ganun. Ipagpapatayo daw niya ako. Si ate naman ibibili daw ang ng XLR cam. Ang dami nilang pangarap para sakin. Pangarap ko, pangarap rin nila.
Ayan na ako ngayon. Sexy girl.
Nais kong magtagumpay. Nais kong marating at maabot ang aking mga pangarap. Gusto kong matupad ko ang lahat ng ito. Mag-aaral akong mabuti. Magsisipag ako. Lalo akong magiging responsble upang makamit ko ang mga ito. Lagi akong mananalangin sa Panginoong Diyos upang ako ay kanyang gabayan at tulungan sa araw-araw. Lagi kong iisipin na hindi ako pababayaan ng mga taong nakapaligid sa akin. Ang mga magulang ko, ang kapatid ko, mga kaibigan ko, mga guro ko, at higit sa lahat ang Diyos. Sila ang tutulong sa akin upang lahat ng aking pangarap ay aking makamtan. Pagsisikap ang kailangan upang marating ang magandang kinabukasan.




Monday, February 14, 2011

History of My Blog's name


      My biological name is Khryss Leanne and my moniker is “ken”. My relatives and friends used to call me in that name because it was my moniker since birth. Want fast fact? I am the only girl who has a name Ken. Impressed? That’s true! My father gives me that name when I was born. I don’t know where he gets that boyish-type name. Well, there is no problem about me if such people call me in my boyish name. For me, it sounds cool!

      8 years ago, when I was using our computer because of searching of my assignments in Encarta Dictionary (application installed in the computer), I accidentally type the letters k-e-n. Amazed, the word was in the dictionary. And the meaning of it was:

       ken (n.) - view; especially, reach of sight or knowledge. E.g. it’s beyond my ken.
After I have read the meaning of my name, I feel impressed because, now I know that my name is not just a boyish-type name, but it has a meaning and a very important meaning. It means knowledge.
And now, my ever loving teacher in Computer 3, told us to create a blog of ours that will reveal our personality and views in life. I am caught between two blog names; Kitty Kenny (for being in love with cats) and Passion for Ken – Love for Knowledge (referred by my sister).

      I finally decided to use the name PASSION FOR KEN. At first, I don’t know how to create my blog with this name because I am not comfortable with the sentence but when my sister explained it, all become vivid.

     Why I decided to name my blog like this?

     Passion is a powerful or an intense emotion such as love. An emotional state. Well I can say that I have the passion for learning so many things. I read lots of books contain ideas and opinions of other people how they view the life. I asks questions when I don’t know such thing. I can proudly say that living for 15 years here, I know a lot of things that have been changed my personality.

     Love of knowledge strengthens and encourages us to pursue further seeking knowledge from within, learning new things has no limitations, so never stop learning and studying. Feeding hearts with love is like engaging our minds to broader understanding.
The freedom to know is our greatest treasure. We are already engaged in knowing, it’s in our own hands on how to make it better.

     Common sense, rational and logic all can be accepted as valid ways of exercising knowledge. Even the investigations into paranormal, magic and mystery, these are such forms of knowledge.
We all have are own knowledge, the problem is we are lack of the ability to use it and apply it. The willingness to explore and understand more things can lead us to express deeper understanding. We have a clear choice; a love for knowledge can change our lives even the limitations limit us.

Percy Jackson and The Lightning Thief



 PAMAGAT: Percy Janckson & The Olympians: The Lightning Thief
                        PINANGYARIHAN: Nashville, Hollywood



Si Percy Jackson ay isang teenager na kakaiba sa ibang tao sa mundo. Isang araw ay nagkaroon sila ng fieldtrip sa isang museo. Maraming tanong na binigay si Mr. Brunner kay Percy at habang nagsasalaysay si Mr. Brunner ng mga kasaysayan ng mga Gods atGoddess ay may tumawag nalang kay Percy na isang babae at sinabi nito na sila ay may paguusapan. Nang makarating na ang dalawa sa loob ng isang kwarto ay bigla nalang nagbago ang anyo nung tumawag sa kanya at ito ay nagging halimaw. Ito ay si Hades na Ama ng Underworld. Pinagbibintangan niya si Percy na nagnakaw ng dagitab ni Zeus. Samantala, sa pangyayaring ito ay nalaman ni Mr. Brunner na si Percy ay anak ni Poseidon kung kaya’t kailangan nitong magingat at dalhin sa kampo ng mga demigods o yung kalahating tao at kalahating panginoon. Dinala ni Grove rang mag-ina sa kampo ngunit ang nanay ni Percy ay hindi na maaring makalampas sa gate ng kampo dahil hindi naman demigod ang nanay ni Percy. Si Grover ay matalik na kaibigan ni Percy na siyang tagapagligtas at tagapagbantay nito. Sa  daan ng kanilang paglalakbay ay nakalabang muli nila si Hades. Kinuha ni Hades ang nanay ni Percy at simula noon ay inakala na ni Percy na patay na ang kanyang ina. Sa kampo naman ay pinakilala ni Grover ang iba’t ibang demigods na anak nila Athena, Aphrodite, at ng iba pa. Si Mr. Brunner ay isa ring kalahating tao at kalahating kabayo na ikinagulat naman ni Percy. Chiron ang pangalan ni Mr. Brunner sa kampo. Pinakita ni Chiron ang bahay na tinayo ni Poseidon para kay Percy. Natuwa si Percy nang dahil rito at ipinagmamalaki niya ang kanyang ama.  




                                                                                                    Ipinakilala rin ni Chiron si Percy sa mga demigods at kailangan rin ni Percy ng isang hukbo upang makapagsanay. Kinuha si Percy ng hukbong bughaw na ang lider rito ay si Luke. Binigyan ng helmet si Percy upang pamprotekta. Kalaban ng hukbong bughaw ang hukbo ni Annabeth, ang anak ni Athena ang hukbong pula. Nang magsimula na ang pagsasanay, kailangang makuha ng isang hukbo ang watawat ng kabilang hukbo upang manalo. Pagod at nanghihina na si Percy kung kaya pumunta siya sa may ilog. Uminom siya gamit ang kanyang kamay at nang iniaangat na niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang watawat ng hukbong pula. Kukunin na niya ito nang bigla sumulpot si Annabeth at kinalaban si Percy. Bumagsak si Percy sa lupa at ang hukbong pula ay tuwang tuwa. Nasa likod si Chiron at si Grover habang nilalabanan ni Annabeth si Percy. Kitang kita nila ang mga pangyayari. Maya maya nang nakalupagi sa lupa si Percy ay nakarinig siya ng boses na alam niya na ito ay boses ng kanyang ama na si Poseidon. Sinabi nito na pumunta sa tubig sapagkat ito ang magbibigay sa kanya ng lakas. Inilapit ni Percy ang kanyang mga kamay sa umaagos na tubig sa ilog nang dahan-dahan. Nang mailagay na niya ang kanyang kamay ay gumaling ang mga sugat niya at bumalik ang lakas ng kanyang katawan. Tumayo si Percy at kinalabang muli si Annabeth. Natalo si Annabeth sa unang pagkakataon at nagtagumpay ang hukbong bughaw sa pagkuha ng watawat ng hukbong pula. Tuwang tuwa ang lahat maging si Chiron at Grover.

   Kinagabihan habang nagsasaya ang lahat ay bigla na namang sumulpot si Hades na anyong apoy. Hinahanap niya si Percy at sinabi rin niyang muli na isauli na ni Percy ang kidlat ni Zeus bago sumapit ang ikalabing apat na araw at kung hindi ay magkakaroon ng matinding labanan at pati na rin papatayin daw niya ang ina ni Percy. Nagulat si Percy nang malaman niyang buhay pa ang kanyang ina kaya naman nung gabi ring iyon ay ninais niyang pumunta sa Underground upang iligtas ang kanyang ina. Pinipigilan siya ni Grover na wag nang tumuloy dahil delikado doon ngunit mapilit talga si Percy kaya naman sinamahan nalang ni Grover at ni Annabeth si Percy sa kanyang paglalakbay. Bago tumuloy sa Underground ay pinuntahan muna nila si Luke upang humingi ng mapa. Napakamodern ng bahay ni luke kaya naman manghang-mangha ang tatlo sa nakita. Binigyan din ni Luke si Percy ng limilipad na sapatos dahil baka daw sakaling makatulong ito sa kanya at hindi rin naman nagagamit ni Luke iyon. Sinimulan na ng tatlo ang kanilang paglalakbay. Habang naglalakad ay nakakita sila ng iba’t ibang estatwa. Nagkahiwahiwalay ang tatlo. Si Grover ay nakakita ng isang estatwa na kahawig raw ng kanyang lolo. Ngunit nang magtagal ay naalala niya na sila ay nasa Medusa’s Trail. Nagmadali sa pagtakbo si Grover upang hanapin si Percy at Annabeth. Si Annabeth naman ay nakakita ng isang babae na takot na takot at kasabay din naman nito ang pagsulpot ni Medusa. Na kay Medusa ang isang pearl na kailangan ng tatlo. Tinanggal na ni Medusa ang kanyang suot na salamin. Pumikit ang babae at si Annabeth dahil pag sila ay tumingin sa mata ni Medusa ay magiging bato sila. Hindi napigilang tumingin ang babae kaya naman naging bato siya. Bago nagging bato ang babae ay mahigpit ang kapit nito sa kamay ni Annabeth kaya hindi rin makaalis si Annabeth sa kanyang kinatatayuan. Dumating sina Percy at Grover upang iligtas si Annabeth. Ginamit ni Percy ang kanyang iphone upang doon makita ang repleksyon ni Medusa. Kinalaban ni Grover si Medusa hanggang sa maputol ang ulo nito. Ligtas na ang tatlo. Dinala ni Grover ang ulo ni Medusa. Nakuha na nila ang unang pearl kaya sinimulan na nilang maglakbay muli. 


Sa replica ng Parthenon ang kanilang sumunod na destinasyon. Naroroon ang estatwa ni Athena na ina ni Annabeth. Ngayon lang nakita ni Annabeth ang kanyang ina simula nang siya ay pinanganak. Nasa korona ni Athena ang ikalawang pearl. Ginamit ni Annabeth ang kanyang kapangyarihan upang mapatulog ang mga nagbabantay dito. Ginamit naman ni Percy ang lumilipad na sapatos na bigay sa kanya ni Luke upang maabot ang pearl. Masyado kasi itong mataas. Nang makuha na ni Percy ang pearl sa korona ni Athena au sumulpot na naman si Hades na naganyong parang dragon na may maraming ulo. Kinalaban nila itong muli. Habang pinuputol ni Percy ang ulo ay lalo pa itong dumadami kaya nahirapan sila. Ginamit ni Percy ang kanyang kapangyarihan at sumaboy ang maraming tubig sa dragon. Hindi pa rin natinag ang dragon kaya ginamit na ni Grover ang ulo ni Medusa. Tinggal ni Grover ang salaaming suot ni Medusa at iniharap sa dragon. Naging bato ang dragon at hindi na nakagalaw. Nagtagumpay na naman ang tatlo.


 Sa Las Vegas, Nevada ang sunod nilang destinasyon. Nang makarating na sila doon ay pinakain sila ng bulaklak na hindi nila alam na ito pala ay magpapaaliw sa kanila nang hindi nila nalalaman ang oras. Hindi namalayan ng tatlo na sila pala ay tatlong araw na doon. Mabuti nalang at nagising si Percy kaya ginising rin niya sina Grover at Annabeth. Nakuha na din ni Percy ang ikatlong pearl kaya bago pa sila maabutan ng mga humahabol sa kanila ay nagmadali na silang sumakay sa sasakyan. Nakatalayo na ang tatlo at bigla namang sumulpot si Luke. Si Luke pala ang nagnakaw ng kidlat ni Zeus. Kinalaban ni Percy si Luke at natalo si Luke. Nakuha na ni Percy ang kidlat ni Zeus at nagmadali silang dalhin ito sa mga Olympians. Naroroon ang mga Gods at Goddess tulad ni Poseidon at Athena. Binigay na ni Percy ang kidlat kay Hades at sinabi nito na hindi na itutuloy ang digmaan. Nang maibigay na ang kidalat kay Hades ay ninais ni Poseidon na makausap niya ang kanyang anak. Ayaw naman ni Percy na makausap si Poseidon dahil inakala niyang pinabayaan nalang sila ng kanyang ina. Bumalik na ang tatlo sa kampo na dala ang ngiti sa kanilang mga labi dahil nagawa nila ang misyon. Napaibig na rin si Percy kay Annabeth. Natapos ang paglalakbay ni Percy Jackson nang masaya at mapayapa. 

I'am A Good Netizen



Technologies are everywhere. Does it make our lives easily? I agree with this but maybe sometimes NO.

Computers are very helpful to us. Especially to the students like me. Computers are more accommodating if it has internet connection. Many sources will come out to help us. Like Google, Yahoo, Wikipedia, Wiki answers and many more. Facebook, YouTube, Twitter and many more are only for entertainment. YouTube, sometimes it helps. Many sites become for great because of the competition between them and the other sites.

Being a responsible Netizen, I will use it wisely. I know that many sites are much polluted nowadays so I, as a student, I will not open the sites that are not for my age. I will also encourage my classmates and friends not to open those sites. If I have projects or assignments, I will be more responsible. I will not use my Facebook on the same time so that I can focus myself on my studies.

Sometimes, I experience many bad things using the internet. But I just disregard those things so that I can call myself a good netizen. Well, I can’t see myself being proud. I have lots of knowledge about computers and about the internet. I easily discover complicated things like using HTML codes and making my page a very great one. I also make my group win on the competition in our school. Making power points are very easy for me. Internet also helps me in finishing that. I told to my group mates to look pictures on the internet. They use the internet very carefully because I told to them that they might see many pictures that are disgusting because our theme is “Fashion for summer”. Many men and women there will have sexy clothes. But in the end of our project, we succeed using the internet to win the struggle
           
          To continue myself to be a good netizen, I will not stop thinking about to call for our Almighty God to guide me in my daily life. To keep me away from dreadful stuff and to make myself happy always without using any bad things. I will also ask for help in my studies and I will pray for the people who are making the world of internet shocking.


Virus Virus Go Away !


      Sa kabila ng marami na ngang kumakalat ng virus ngayon sa Computer Landia ay parami na ng parami ang mga CPU na natatamaan nito. Isang araw ay naisipan ng magkakaibigang sina Christian Percy Uric, Monitoria at Mousepry na mamasyal masyal sa oval. "Talagang napakatindi na ng virus na kumakalat ngayon no'? ang sabi ni Monitoria. "Oo nga eh. Buti nalang ako at malakas ang panlaban ng aking Anti-Virus." sagot naman ni Christian. "Ang sabihin mo, takot ang mga virus sayo dahil nakakatakot ka." ang pabiro namang sinabi ni Mousepry. Nagtawanan ang magkakaibigan. Kilala kasi si Christian na isa sa pinakamagandang CPU sa Computer Landia. Isa rin sya sa pinaka kinatatakutan sa lahat dahil isa siya sa mga CPU na maraming alam. 
         Habang naglalakad ang magkakaibigan ay nakasalubong nila si Webcamille. "Oh mga kapatid, saan ang punta ninyo?" tanong niya. "Ah nagpapahangin lang kami. Baga masyado na kasi kaming madumihan sa Computer Landia eh." sagot naman ni Monitoria."Ang ganun ba? Sige mauna na ako at maghahanap pa ako ng maraming makukuhanan." Nang makalayo na si Webcamille ay nabanggit ni Mousepry na baka masyado ng dumilim at baka lumabas na ang mga virus sa paligid kaya kailangan na nilang bumalik sa Computer Landia. Pagkabalik ng magkakaibigan ay nakita nalang nila na umuusok na lahat ng mga CPU na naiwan sa Computer Landia. Hindi nila alam ang gagawin dahil napangunahan na sila ng takot at kaba. "A-a-anong ng yari?!" ang nanginginig na tanong ni Christian. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot na ganito sa kanyang buhay dahil nga sa matapang siya ngunit sa pagkakataong ito ay alam nya sa sarili niya na siya ay natatakot na. "Anong ga-gawin na . . tin !!!!!!" napasigaw si Monitoria ng bigla nalang may humila sa kanya pataas at siya ay inikot ikot na para bang ang lahat ng parte ng kanyang katawan ay matatanggal na. "Kumapit ka Mon!" Sigaw ni Mousepry. "TULONG ! TULONG !". (blag!) Nalaglag na si Monitoria sa sahig. Pagkakita sa kanya ni Christian ay naguumusok na rin ito. "Sino ba ang may kakagawan nito! Hinding hindi ko mapapatawad!" "Chris, tingnan mo ito." ang sabi ni Mousepry. Nagmadali si Chris sa paglapit kay Mousepry. "Tingnan mo ang mga litratong ito. Tila yata nakuhanan ni Webcamille ang pangyayari rito kanina bago tayo dumating." Nakita nila ang isang itim na tela na lumilipad at nakatali rito ang isang CPU. Nangilabot ang dalawa sa nakita. "Diyos ko. Ano pong gagawin namin?." napapikit na lamang ang dalawa hanggang sa di na nila namalayan na sila pala ay nakatulog na.

           "Gising Chris! Gising Pry!" ang nagmamadaling sabi ni Webcamille. "Magmadali na kayo! Lilisanin na natin ang Computer Landia! Hindi na niya tayo dapat maabutan rito! Bilis!". Tumayo na ang dalawa at nagmadaling kinabit ni Chris sa likod niya si Webcamille upang mas mabilis na silang makalayo. "Ano ba talga ang nangyayari rito Cam?" ang tanong ni Chris. "Mga virus ang itim na telang iyon na nakita ninyo sa litrato kanina bago kayo makatulog." " Ah oo yung litrato!" ang sabi ni Chris. "Kakaiba sila sa mga virus na nakita ko Chris. Lumilipad sila at hindi lang loob ng CPU ang sinisira nila. Kundi maging ang labas na rin. Kaya nakita nyo kanina na umuusok na ang mga CPU." ang pagpapaliwanag ni Cam. "Pano natin ito matatalo?" ang tanong ni Mousepry. Hindi na nakasagot si Cam dahil nagmamadali na sila sa pagtakbo at paglakad. Tumuloy sila sa ilalim ng Grandstand. Sa may room doon sila pumasok. Sinarang mabuti ang pinto at kinandado pa ng mabuti. "So, ano ng gagawin natin ngayon?" nagkatinginan nalang ang tatlo. "Dapat tayong pumunta sa Virus Web para doon ay kalabanin natin ang virus na itim na sumugpo ng maraming CPU sa Computer Landia." and sabi ni Webcamille. "Oo ngunit kailangan muna nating gumawa ng plano tungkol jan. Hindi tayo dapat sumugod agad-agad." ang sagot naman ni Chris. Nagsimula nang bumuo ng plano ang tatlo. At matapos ang ilang oras ay gumayak na sila para sa pagsugod nila maya-maya. 

                  "Sugod ! Sugod !" ang sigaw nila Chris, Mousepry at Cam. (blag blag lagabag!) "Ano yon!?" ang tumatakbong sabi ni Monitoria. Nakita na lamang niya na nalaglag sa lamesa sina Chris, Cam at Mousepry. "Hahahaha!" ang hagalpak ni Mon. 'Ano ba naman 'tong tatlong ito. Hahahah!" Nagising ang tatlo at nagkatinginan na lamang habang hinihimas himas ang kanilang mga likod. "Ano bang nangyari?" ang tanong ni Chris. "Nanaginip ako kinakalaban daw natin ang mga virus." ang sagot naman ni Mousepry habang nakakunot ang noo. "Eh yan din ang panaginip ko eh!" ang sabi ni Webcamille. 'Teka teka, wag na nga tayong magtalo. Baka ngapare-pareho lang talga tayo ng napanaginipan?" ang pagawat namang pagsasalita ni Chris. "Oo nga. Tama si Chris. Wag nyo na yang pagtalunan. Baka gutom lang yan kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan niyo." ang sabi naman ni Monitoria na napapatawa na. Bumaba na ang lahat upang kumain. Nagaasaran pa rin sina Cam at Mousepry hanggang sa matapos ang kanilang pagsasalu-salo. Naging masaya ang araw ng lahat ng dahil nga sa isang napaka adventurous na panaginip nina Christian Percy Uric, Mousepry, at Webcamille. At paano naman si Monitoria? Syempre, masaya rin siya dahil kahit hindi niya napanaginipan ay kinuwento ng tatlo na siya ay naroroon rin. Masaya nang nagkwentuhan ang apat at nagsilbi itong magandang ala-ala para sa lahat.

                


Regional Press Conference (November 8-12, 2010)

" It's not luck that brought me here, It's HARDWORK. "
    
          Isang napakasayang araw para sa aming labing apat na mag-aaral mula sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mem. NHS ang labanang ito. Hindi man nanalo ang ilan sa amin, kabilang ako, ay masaya pa rin kami.


          Narito ang istorya, 
     
          Limang araw kaming nasa Sta. Rosa upang makipagkumpetensya sa iba't ibang Division mula sa CALABARZON. Unang araw ay nagkaroon ng "opening program" sa SM Sta. Rosa, Event Center. Maraming estudyante mula sa iba't ibang paaralan ng Sta. Rosa ang nagpakita ng kanilang mga talento. Talaga namang lahat kami ay napahanga nila. Nagbigay rin ng napakagandang mensahe ang kanilang Mayor. 
        
         Sa mga sumunod na araw naman ay ganun pa rin. Wala pa ring katapusan ang kasayahan. Napakasasarap ng mga pagkaing inihahain sa amin araw-araw. Marami rin akong naiuwing mga pagkain, tulad ng mga biskwit at inumin na nasa bote. Talaga namang naparami noon. Hindi na nga namin maubos lahat ng pagkain na binibigay sa amin. 
  
         Noong huling gabi na ay nag-awarding ng Radio Broadcasting. Champion ang aking mga kaklase at kamag-aral. Hindi ko alam kung pano ilarawan ang kanilang mga emosyon nung gabing iyon. Gayun din naman ang aming adviser na si Ginoong Lacsa. Talagang napakasaya nila. Kinabukasan naman ay nag-award na rin ng iba't ibang kategorya. Hindi man ako nanalo ay masaya pa rin ako dahil naranasan ko ang kakaibang paligsahang ito. 


        Lahat kami ay masayang bumalik sa aming mga tahanan. At lahat rin kami ay may mga uwing pasalubong para sa aming mga minamahal. 

Saturday, February 12, 2011

Ming-Ming, My Turkish Van Cat



       Sya si ming-ming, a.ka. , VIKKY. Bakit? Dahil, inaasar namin yan ng "Vikkirat" kasi dati kirat sya. Lagi nalang kasing masakit yung kanang mata nya. Madalas kinukusot pa nya. 


   Napakabait na pusa ni ming-ming. Malambing sya. Gusto nya lagi na kasama kami kahit san kami magpunta. Pag aakyat na kami para matulog, susunod yan.  Alam nga nya ang kanya-kanya naming kwarto. Yung kwarto ko, kay ate at yung kina mami at papa. Astig no? Hindi sya tulad ng mga pusa na pagala gala lang sa kalye. Yung balahibo nya napakalambot at hindi nalalagas tulad nung sa ibang pusa. Puting puti pati ang kulay nya. Yung buntot nga lang masyadong kakaiba, kulay itim. Ayun daw talaga ang description ng isang "Turkish Van Cat".

          Mahilig manood ng Survivor si ming-ming. Pati nga Tom and Jerry at Mr. Bean. Mahilig rin syang umakyat sa puno ng malunggay sa tabi ng bahay namin. Napakatakaw rin nyang matulog. Inaabot nga ng 3-4 hours eh. Paborito nyang kainin ang talbos ng kalabasa. Wierd ba? Sadyang ganun. Alam nyo ba yung "POPS" yung parang chocolate na sa loob ang laman ay ice cream. Gustong gusto rin nya yun pati na rin yung "chuckie". ALam nyo na rin siguro yun. 

        Nung minsan nga, nasa labas sya ng bahay namin, nalapa yan ng isang pusang gala. Habang dumudumi sya sa labas eh dinambahan sya sa likod at nakipag-away. Hindi makalaban si ming-ming dahil maliit pa sya noon. Dali-dali namin syang ipinasok sa loob. Napakabaho nya nun kaya naman pinaliguan namin sya. Sinabon at pinunasan. Noong gabing iyon ay napakatamlay niya. Laging nakahiga at hindi makakain. Siguro'y dinamdam nya ang nangyari sa kanya. Kaya simula nun, hindi na namin sya pinapayagang lumabas. Pag minsan makulit kaya kahit pagod na pagod na akong hulihin sya eh ayos lang naman. Baka kasi malapa na naman. Sa banyo namin sya nadumi at nawiwi. Sanay na sya kaya mas madaling linisin. May sarili rin syang twalya para pagnaligo sya eh nakaready na. Minsan lang naman maligo si ming-ming kasi hindi naman madalas bumaho. Meron din syang wipes para pagkatapos nyang dumumi eh pupunasan yung butt nya. Spoiled masyado si ming-ming!


      Mahal na mahal namin yang pusang yan. Kahit na 2 months palang sya samin ay talaga namang busog na busog sya sa pagmamahal namin. Sana nga ay magtagal pa sya sa amin. Sa kasalukuyang tinatype ko ang artikulong ito ay si ming-ming ay tatlong oras ng natutulog. :)