Friday, November 18, 2011
Friday, September 16, 2011
New Life, New Journey, New Friends & Classmates
I'm Back !
Ok. Eto na ako ulit. Ready na ako para maging active ulit itong BLOG ko. Naisip ko kasi, pwede rin naman pampalipas oras ang pagpopost dito. Namiss ko tuloy bigla nung project pa namin ito. Ako ang merong pinakamagandang blog sa aming magkaka-klase. Nakakatuwang isipin yun. Di ko akalain na ganun ako kagaling mag-ayos ng BLOG. :)
I'll make this more beautiful. Ito ang gagawin kong diary. (ONLINE DIARY) :]
Friday, March 18, 2011
Yummy Chocolates
Tuesday, March 15, 2011
Friday, March 11, 2011
Phineas and Ferb
![]() |
Last week was my first time to watch Phineas and Ferb. Yeah english ! Tagalog na...

Ayan dahil jan sa episode na yan, ako ay natuwa. Nakakamangha kasi talaga ang kanilang mga imbensyon.
Kaya simula noon ay lagi na akong nanonood ng Phineas and Ferb. Kanina lamang ay ako ay nanood at napakaganda ng episode nila kanina. Siguro sasabihin nila Kim eh replay na yun. Eh bakit ba, ngayon ko lang napanood eh. Haha
Sunday, February 27, 2011
Ang Mga Pahina ng Aking Buhay
![]() |
Ang cute ko noh? hehe |
![]() |
Ang cute ko talaga. |
Ako si Khryss Leanne Belen Omnes. Labinglimang taong gulang na ako. Ipinanganak ako sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ang mga magulang ko ay sina Raymond Omnes at Lani Omnes. Mayroon akong isang kapatid na nakatatanda sa akin, siya ay si Deanne Pauline Omnes. Kasalukuyan kaming naninirahan sa Brgy IV-B, San Pablo City, Laguna. Ako ay isa nang third-year high school at nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Kabilang ako sa pangkat ng pinakamagagaling na estudyante sa paaralang ito. Hindi ko ninanais na ako ay makabilang sa Honor kundi ang ninanais ko ay hindi matanggal sa pangkat na io kaya pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral.
Aking nabanggit sa itaas na ako ay pinanganak sa Nueva Ecija. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ang layo ng aking pinanggalingan. Ang tatay ko kasi ay isang ministro ng Iglesia ni Cristo. Halos taon-taon ay palipat lipat kami ng tahanan. Wala kaming permanenteng bahay. Sanay na kami sa ganoong buhay dahil alam namin na yoon ang binigay ng Diyos sa amin.
![]() |
First Honor ako :) Palakpakan ! |
Noong kami ay nasa Nueva Ecija ay marami akong paaralang napasukan dahil nga kami ay palipat-lipat. Noong ako ay kinder pa lamang ay nag-aral ako sa Jaen West Elem. School at noong ako’y Grade 1, nag-aral naman ako sa San Anton Elementary School at doon ay nakapagkamit ako ng unang karangalan. Bata pa lamang ako ay naranasan ko nang makibagay at makiayon sa mga ugali ng aking mga nagiging kaklase. Mahirap pero kinakailangan. Noong ako naman ay Grade 2, doon pa rin ako dahil hindi naman ganun kalayo ang bahay na aming nalipatan sa paaralang iyon. Nakamit kong muli ang unang karangalan. Grade 3 ako ay muli na naman kaming nalipat. First Year high school naman si ate noon at siya ay valedictorian nung siya ay nagtapos ng elementarya. Scholar siya kaya lumipat kami sa pribadong paaralan na rito ay nakapagkamit akong muli ng unang karangalan. Walo lamang kami noon sa klase at ang nakakatawa pa ay ako lamang ang babae. Kaya sabi ni mommy ay matomboy tomboy raw ako noong ako ay Grade 3. Marami ang nagbago matapos ang school year na yon. Nalipat kami sa Minabuyok, Nueva Ecija. Isang liblib na bayan iyon kaya hindi namin alam ni ate kung saan kami papasok roon dahil parang wala namang malapit na paaralan doon. Humiling si papa na malipat kami dito sa Laguna para mapalapit kami sa aming mga kamag-anak. Wala naman kasi kaming kamag-anak sa Nueva Ecija. Pag lang kaarawan namin ni ate tsaka lang dumadalaw ang mga kamag-anak namin. Grade 4 ako nang malipat kami dito sa Laguna. Una naming destino ay sa Majayjay. Napakalamig doon na para bang pag summer na sa ibang lugar ay doon ay winter pa rin. Ang paaralan doon ay tapat lang ng aming bahay kung kaya madali para sa akin ang mag-aral. Hindi ko nakamit ang unang karangalan dahil na rin sa iba ang proseso ng pagtuturo at ako ay naninibago pa din noon. Hindi rin ako sanay sa ugali ng mga bata doon kaya medyo nahirapan akong makisalamuha sa kanila. Naging masaya naman kami doon dahil ang mga tao doon ay matulungin. Isang taon lamang kami doon at kami ay nalipat na sa Lumban. Sa lugar na iyon ay sagana ang gawaan ng mga Barong. Nakakatuwa dahil doon ko lamang nalaman na may mga barong pala na gawa sa pinya at iba pa. Grade 5 naman ako noon. Maganda ang paaralan doon. Nakapagkamit naman ako ng ikaapat na karangalan doon. Medyo nasasanay na rin ako kaya nabalik ako sa honor. Grade 6 ako nang malipat naman kami sa Brgy. San Diego, San Pablo City. Kaya sa San Diego Elementary School naman ako nagtapos ng elementarya. Nakamit ko ang “Special Mention” doon. Nasa San Diego pa rin kami nang ako ay nagfirst year high shool sa Dizon High.
![]() |
Ang aking kaarawan. Grade 3 ako niyan. |
High School na ako. Marami nang nagbago. Bagong kaibigan, bagong kasama araw-araw. Nung ako ay nagenroll ay sa Section ako napabilang dahil hindi naman kasi kami nakapasa sa unang pagsusulit na ibinigay sa amin. Unang araw ng pasukan ay binigyan kaming muli ng pagsusulit. Yung may mga general average lang na 85% ang pinakuha at sinabing dalawampu daw ang kukunin upang mapabilang sa Science Curriculum. Kinabukasan ay nagulat na lamang ako nang ako ay tinawag ni Ginoong Mission upang pumunta na sa room ng 1-Science. Binalita ko kaagad ito kay mommy at ako naman ay tuwang tuwa. Marami akong naging kaibigan noon. Pero noon ay si Shelo at Jonna lang ang nakaksama ko. Pati paguwi ay sila rin ang kasabay ko. Nabuo rin ang barkadang MAKKASHERYSS. Binubuo nina Marian, Lykka, Shelo at Ako. Noon namang 2nd year na kami ay marami rin ang nagbago. Si Lykka nalang ang naging kasa-kasama ko. Pero ok lang dahil masaya naman kami. Nagkaaway naman kami ni Lykka noon at nagkaroon na siya ng bagong kasama pag recess. Naging kasama ko naman si Kim. Hanggang ngayong 3rd year na kami ay kami pa rin ni Kim ang laging magkasama. Kahit na minsan ay nagkakaron din ng mga di pagkakaunawaan na madali rin naman naming naaayos. Si Kim ang tumutulong sakin upang hindi ako matanggal sa Science. Swerte ako sa kanya dahil lagi siyang nandiyan para sa akin. Swerte naman siya sa akin dahil lagi rin naman akong nandiyan para sa kanya. Napakarami ang nangyari nagayong ako ay 3rd year. Nagkaroon ng fieldtrip, Science Camp na ako ay isa sa mga team leader noon. Nag Eco Tour naman kami kamakailan lamang. Nagpunta kami sa UP Los Banos, Biotech, BPI, at nag hiking kami sa Mt. Makiling na sobrang tarik kaya kaming lahat ay hirap na hirap.
Ang pagiging High School student na ata ang pinakamasayang parte ng aking buhay. Marami akong mga bagay na natutunan. Una sa lahat ay natutunan kong maging responsable sa mga bagay bagay. Hindi ko pinagwawalang bahala ang mga bagay na mas importante. Natutunan ko rin na mas lalo pang maging palakaibigan. Masaya kasi pag marami kang kaibigan. Dahil nga sa pagiging palakaibigan ko ay nanalo ako noong nakaraang taon sa SSG Election. Isa ako sa 3rd Year representative. Ngunit ngayong taon, ako ay muling tumakbo kaya lang ay hindi naman ako punalad na manalo. Ayus lang dahil naging masaya naman ako. Marami akong naging kakilala mula sa iba’t-ibang seksyon at year. May mga nagiging paborito rin akong mga guro tulad nalang ni Ginoong Lacsam na kasa-kasama pa namin noong Regional Press Conferrence. Nakasali ako dito dahil ako ay nanalo ng ikapitong award bilang isang photojournalist. Unang beses ko palang sumali ay nanalo na agad ako noon. Masayang-masaya ang mga magulang ko at sila ay proud na proud sa akin. Suportadong-suportado nila ako.
Mahilig akong tumugtog ng gitara at piano. Nais ko ngang mag-aral ng ganito para mas lalo ko pang mapagbuti ang aking pagtugtog. Bata palang kasi ako ay hilig ko na ang tumugtog ng piano. Natuto ako na marami akong kayang tugtugin. Nito lang ako ay 3rd year nang ako ay matuto ng paggigitara. Nainspired kasi ako kay Jomar. Ang galing niya kaya nagpaturo ako ng basic chords tapos ako na mismo ang nagturo sa sarili ko na makatugtog ng iba’t ibang kanta. Paborito kong tugtugin ang “Kulang na Kulang by Joy and Bevs” dahil itong kantang ito ang nagpapasaya sakin kahit na hindi masaya ang nilalaman nito. Sa edad kong ito ay naranasan ko na ring umibig. Alam kong mali dahil bata pa ako. Kaya wala rin namang nangyari.
![]() |
Ang aking pangarap. |
Isang taon nalang at gagraduate na ako. Sa college, sana ganun pa rin kasaya ang buhay. Sana enjoy pa rin. Gusto kong kurso ay BS Computer Science. Sabi kasi nila ay magaling daw ako sa computer. Marami daw akong alam. At ayun rin naman ang tingin ko sa aking sarili. Pagnakatapos na ako ng ComSci, kukunin ko naman ang kursong Information Technology. Ang sabi kasi ni mommy pag kumuha pa daw ako nun ay mas magiging maganda ang aking trabaho. Mayroon pa kong isang pangarap. Gusto ko rin kunin ang kursong Photography. Mahilig kasi akong magkukuha ng mga litrato kaya nga ako ang napili ni Sir Lacsam para maging photojournalist. Gusto kong magkaroon ng XLR na camera. Isa yun sa pinakamaganda at pinakmahal na camera. Kaya pinapangrap kong magkaroon ng ganun. Gusto ko rin makapagtayo ng sarili kong bussiness pagtapos na ako. Computer Shop daw sabi ni mommy. Maganda raw kasi pag may ganun. Ipagpapatayo daw niya ako. Si ate naman ibibili daw ang ng XLR cam. Ang dami nilang pangarap para sakin. Pangarap ko, pangarap rin nila.
![]() |
Ayan na ako ngayon. Sexy girl. |
Nais kong magtagumpay. Nais kong marating at maabot ang aking mga pangarap. Gusto kong matupad ko ang lahat ng ito. Mag-aaral akong mabuti. Magsisipag ako. Lalo akong magiging responsble upang makamit ko ang mga ito. Lagi akong mananalangin sa Panginoong Diyos upang ako ay kanyang gabayan at tulungan sa araw-araw. Lagi kong iisipin na hindi ako pababayaan ng mga taong nakapaligid sa akin. Ang mga magulang ko, ang kapatid ko, mga kaibigan ko, mga guro ko, at higit sa lahat ang Diyos. Sila ang tutulong sa akin upang lahat ng aking pangarap ay aking makamtan. Pagsisikap ang kailangan upang marating ang magandang kinabukasan.
Monday, February 14, 2011
History of My Blog's name
My biological name is Khryss Leanne and my moniker is “ken”. My relatives and friends used to call me in that name because it was my moniker since birth. Want fast fact? I am the only girl who has a name Ken. Impressed? That’s true! My father gives me that name when I was born. I don’t know where he gets that boyish-type name. Well, there is no problem about me if such people call me in my boyish name. For me, it sounds cool!

ken (n.) - view; especially, reach of sight or knowledge. E.g. it’s beyond my ken.
After I have read the meaning of my name, I feel impressed because, now I know that my name is not just a boyish-type name, but it has a meaning and a very important meaning. It means knowledge.
And now, my ever loving teacher in Computer 3, told us to create a blog of ours that will reveal our personality and views in life. I am caught between two blog names; Kitty Kenny (for being in love with cats) and Passion for Ken – Love for Knowledge (referred by my sister).

Why I decided to name my blog like this?
Passion is a powerful or an intense emotion such as love. An emotional state. Well I can say that I have the passion for learning so many things. I read lots of books contain ideas and opinions of other people how they view the life. I asks questions when I don’t know such thing. I can proudly say that living for 15 years here, I know a lot of things that have been changed my personality.
Love of knowledge strengthens and encourages us to pursue further seeking knowledge from within, learning new things has no limitations, so never stop learning and studying. Feeding hearts with love is like engaging our minds to broader understanding.
The freedom to know is our greatest treasure. We are already engaged in knowing, it’s in our own hands on how to make it better.
Common sense, rational and logic all can be accepted as valid ways of exercising knowledge. Even the investigations into paranormal, magic and mystery, these are such forms of knowledge.
We all have are own knowledge, the problem is we are lack of the ability to use it and apply it. The willingness to explore and understand more things can lead us to express deeper understanding. We have a clear choice; a love for knowledge can change our lives even the limitations limit us.
Percy Jackson and The Lightning Thief
PAMAGAT: Percy Janckson & The Olympians: The Lightning Thief
PINANGYARIHAN: Nashville, Hollywood




Sa Las Vegas, Nevada ang sunod nilang destinasyon. Nang makarating na sila doon ay pinakain sila ng bulaklak na hindi nila alam na ito pala ay magpapaaliw sa kanila nang hindi nila nalalaman ang oras. Hindi namalayan ng tatlo na sila pala ay tatlong araw na doon. Mabuti nalang at nagising si Percy kaya ginising rin niya sina Grover at Annabeth. Nakuha na din ni Percy ang ikatlong pearl kaya bago pa sila maabutan ng mga humahabol sa kanila ay nagmadali na silang sumakay sa sasakyan. Nakatalayo na ang tatlo at bigla namang sumulpot si Luke. Si Luke pala ang nagnakaw ng kidlat ni Zeus. Kinalaban ni Percy si Luke at natalo si Luke. Nakuha na ni Percy ang kidlat ni Zeus at nagmadali silang dalhin ito sa mga Olympians. Naroroon ang mga Gods at Goddess tulad ni Poseidon at Athena. Binigay na ni Percy ang kidlat kay Hades at sinabi nito na hindi na itutuloy ang digmaan. Nang maibigay na ang kidalat kay Hades ay ninais ni Poseidon na makausap niya ang kanyang anak. Ayaw naman ni Percy na makausap si Poseidon dahil inakala niyang pinabayaan nalang sila ng kanyang ina. Bumalik na ang tatlo sa kampo na dala ang ngiti sa kanilang mga labi dahil nagawa nila ang misyon. Napaibig na rin si Percy kay Annabeth. Natapos ang paglalakbay ni Percy Jackson nang masaya at mapayapa.
I'am A Good Netizen
Technologies are everywhere. Does it make our lives easily? I agree with this but maybe sometimes NO.

Being a responsible Netizen, I will use it wisely. I know that many sites are much polluted nowadays so I, as a student, I will not open the sites that are not for my age. I will also encourage my classmates and friends not to open those sites. If I have projects or assignments, I will be more responsible. I will not use my Facebook on the same time so that I can focus myself on my studies.

To continue myself to be a good netizen, I will not stop thinking about to call for our Almighty God to guide me in my daily life. To keep me away from dreadful stuff and to make myself happy always without using any bad things. I will also ask for help in my studies and I will pray for the people who are making the world of internet shocking.
Virus Virus Go Away !
Sa kabila ng marami na ngang kumakalat ng virus ngayon sa Computer Landia ay parami na ng parami ang mga CPU na natatamaan nito. Isang araw ay naisipan ng magkakaibigang sina Christian Percy Uric, Monitoria at Mousepry na mamasyal masyal sa oval. "Talagang napakatindi na ng virus na kumakalat ngayon no'? ang sabi ni Monitoria. "Oo nga eh. Buti nalang ako at malakas ang panlaban ng aking Anti-Virus." sagot naman ni Christian. "Ang sabihin mo, takot ang mga virus sayo dahil nakakatakot ka." ang pabiro namang sinabi ni Mousepry. Nagtawanan ang magkakaibigan. Kilala kasi si Christian na isa sa pinakamagandang CPU sa Computer Landia. Isa rin sya sa pinaka kinatatakutan sa lahat dahil isa siya sa mga CPU na maraming alam.





Subscribe to:
Posts (Atom)